Messy Nessy

This episode is called "Hometown visitors"

Hindi na ako masyadong nakakapagsulat. Napagtanto kong masyado kong binibigyan ng mataas na standard ang sarili ko sa mga passion project ko. 'Yong tipong hindi na ako makagalaw lalo kasi hindi ko na rin maabot iyong inaasahan ko.

Kaya, magsisimula na naman tayo. Dear diary... -- De, biro lang.

13.09.2025

Ang aga ko nagising ngayon kasi ang aga ko ring natulog kagabi. Alas-onse pa lang tulog na ako. Kunwari pa 'kong hindi ko alam ang dahilan kung bakit, ang dahilan ay paggagantsilyo. Tatlong linggo ko nang ginagawa iyong shorts ko hanggang ngayon hindi pa rin siya tapos. Nakailang bersyon na rin ako, pero hindi ako ma-satisfy. Iyong current version, ito na talaga iyong pinaka-final. Ayoko nang umulit uli. Ang sakit na ng leeg at likod ko.

Pumunta akong Sta. Rosa para kitain ang kaibigan ko at ang mga kaibigan n'ya. (Sasabihin ko sana "mga" kaibigan ko. Kaso ang assuming ko naman, hindi ko pa sila ganoon kakilala." Binili namin ng nobyo ko 'yong lumang laptop n'ya sa trabaho na ginagamit ko ngayon para isulat 'to. Quality assurance ba. Charot.

Ang mahal ng Grab, kaya nagpahatid na lang ako kay Dadi't sa kanya ko na lang binigay iyong pambayad ko sana ng Grab. Para maski pa'no, makinabang pa ako sa gas uli, hehe.

Tumigil muna ko sa Tim Horton's, naggantsilyo habang hinihintay sila. Pagdating nila kumain kami ng Chinese food sa Sam's HK. Mahilig kami ni KS (si kaibigan) sa pagkaing Tsino - sa totoo lang, ngayon ko lang din nalaman na pareho pala kaming mahilig d'on. Pinatikim namin kay SL (unang kaibigan ni kaibigan) 'yong ha kao. Hindi raw pala siya masyadong nakakakain ng pagkaing Tsino.

Tatambay pa sana kami sa Solenad, kaso paradahan pa lang, pila na agad. Dumiretso na kami ng Calamba.

Dinala ko sila sa paborito kong kapihan. 250 Cafe.

Bakit sila paborito ko? Sila kasi tinatambayan ko dati noong hybrid ako't ayokong makulong sa bahay. Masarap din mga pagkain nila. Natikman ko na nga lahat ng appetizer nila. Masarap din.

Sinamahan ko ring bumili si KS ng puto Biñan para sa mama niya.

Naninibago akong may mga kaibigan akong nakilala ko sa Manila na nasa bayan ko. Bukod sa mga hot spring, ako lang naman ang dinadayo rito. Eme. Pwera biro, walang masyadong ganap sa Calamba. Bahay siguro ni Rizal?

Tumambay kami sa 250 Cafe hanggang dumating si AR (isa pang kaibigan ng mga kaibigan na Calambeña rin).

Nagbilyar kami hanggang sa matapos ang gabi.

Wala akong ibang naramdaman kung hindi barino dahil hindi ako magaling. At naiirita akong maglaro kapag hindi ako nananalo. Iyan mismo ang dahilan kung ba't hindi ko tinuloy ang pagche-chess at gymnastics n'ong kabataan ko.

Natalo kami ni KS. Pero okay lang, practise pa.

Antok na antok ako pagdating ko ng bahay. Naligo na 'ko kagad. Nakatulog na ako nang bahagya, pero naalimpungatan din agad. Malapit nang mag-alas kwatro. Maggagantsilyo na lang uli ako hanggang makatulog, ba'la na.

#diary #life #tagalog