Messy Nessy

This episode is called "Stay away from the children"

22.09.2025

Sa lahat ng video na napanood ko sa Youtube ngayon, ito ata ang pinakatumatak sa akin: when the victim is finally DONE with the abuser.

Tungkol s'ya sa isang malaking kaso noong dekada '90 sa Estados Unidos. Nahuli ang isang gurong si Mary Kay Letourneau, 34 anyos, at ang isang estudyanteng si Vili Fualaau, 13 anyos, sa kotse ng guro sa isang mahalay na posisyon... Sumatutal, pinagsasamantalahan ng guro iyong bata.

Tumatak 'to sa akin dahil sa mga sumusunod:

1. 'Di talaga matanggap ni Mary Kay na mali ang ginawa niya, at sa mata niya, isa lang ito kwento ng pag-ibig

Gets. May kanya-kanya tayong love story na gustong panoorin, pero kung alam mo nang mali, kilabutan ka naman sana't magpatay na ng TV.

'Di ko pa napapanood nang buo 'yong interview (inaantay ko magising si jowa para panoorin namin nang sabay), pero base sa mga narinig ko sa videong nabanggit ko kanina, maliwanag na hindi talaga alam ni Mary Kay ang ginawa niya.

Hindi na gets kung ba't considered "statutory rape" ang relasyon nila kung lalaki naman si Vili at babae siya?

Sa mga hindi rin gets kung ba't siya krimen, ito ang isang maikli at simpleng paliwanag: Ang táong 13-taóng-gulang ay isang bata. Batang kailangan pang gabayan dahil hindi pa sila ganap na buo para gumawa ng desisyon para sa sarili nila. Hindi alam ng bata ang ginagawa niya kaya nasa responsibilidad ng matanda ang ihinto ang relasyong nabubuo sa kanilang dalawa.

Ngayon, sa kahalayan ni Mary Kay, may nabuo sa kanila...

Salamat sa kalawakan, nakulong maski paano si Mary Kay, maski paano.

Pero, pagkalabas na pagkalabas ni ma'am, nakipagkita uli siya kay Vili. Hindi 'yon pwede ayon sa husgado, pero dahil nga hindi siya naniniwalang may ginawa siyang masama, ginawa n'ya na lang kung anong gusto n'ya.

May nabuo na naman sa kanila... Mantakin mo, nakulong na siya't lahat, pinagpyestahan na ng media at lahat, marami siyang pagkakataon para itigil 'to pero hindi. May nabuo na naman sa kanilang dalawam at partida, wala pang 15-anyos si Vili. Nakaka-adwa.

Alam kong minsan nadadala lang tayo ng bugso ng damdamin, pero sabi nga ng aking ama, kaya nga ang utak eh nasa ibabaw ng katawan dahil dapat daw pinapagana lagi. Nakakagalit na sa sitwasyon ni Mary Kay at ni Vili, talagang hindi siya nagpa-awat, kung anong naramdaman n'ya sinunod n'ya na para bang tadhana na nagtakda sa kanya.

Wala nang magagawa masyado mga paghihimutok ko rito - kasi una sa lahat, nangyari ito n'ong hindi pa ako pinapanganak, ikalawa, sumakabilang buhay na si Mary Kay limang taon na ang nakakalipas - pero nakakainis pa rin kung babalikan, lalo na ngayon ko lang narinig ang kwentong ito. 'Di ko gets kung pa'no pinalaki si Mary Kay ng magulang niya. Nakakagigil, amp.

2. 'Di ata common knowledge na pwede ring maging biktima ang mga lalaki

Noong kasagsagan ng kasong ito, base sa mga pinakinggan ko, dahil nga hindi pa ako buhay noong pinapalabas ito, hindi nakita ng taumbayan na pang-aabuso ito dahil lalaki ang biktima at babae ang may sala.

Naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang paniniwalang 'to. Kapag ang mga lalaki nabigyan ng atensyon ng magandang babae, pagpi-pyestahan 'to ng mga kaibigan n'ya, kahit gaano pa kalaki ang agwat nila sa edad. May pressure sa mga lalaki na dapat bata ka pa lang may experience ka na. Hindi ako lalaki, kaya hindi ko gets kung bakit. Hindi ko rin alam kung saan galing ang unspoken rule na 'yan, pero ito na ang tamang pagkakataong itigil ito.

Kaya nahihirapan ang mga lalaking magsalita kapag naabuso sila, kaya maraming nagtatago sa mga bisyo at ibang tipo ng krimen, dahil nagse-set tayo ng standards sa mga bata na hindi naman dapat.

Bilang batang pinanganak n'ong dekada '90, pamilyar ako sa mga ganitong patutsada ng mga kabataan. Naging normal na sabik sa karanasan ang mga binatilyo. Noong elementary ako, talamak ang mga bastos na biro ng mga kaklase kong lalaki. Hindi ko alam kung saan nila nakukuha! Ngayong pa-30 na 'ko, kung may maririnig akong 12 o 13 anyos na nag-uusap ng mga bagay na pinag-uusapan ng mga kaklase ko noong grade 6 ako, siguro makakatampal ako. Saan ba nila nakukuha 'yong kabastusan na 'yon? Cool ba 'yon? Hindi.

Balik tayo, dalawa na ang naging anak ni Vili bago pa man n'ya maabot ang ligal na gulang para uminom o magmaneho. Hindi ko ma-imagine kung paano na lumaki si Vili, pero tingin ko naging mahirap 'to.

N'ong 15 ako, nakikipaglaro pa ako ng chinese garter sa mga kaklase ko, naliligo pa ako sa ulan kasama mga kaibigan ko, nakakagala pa ako kung saan-saan. Mga bagay na hindi mo magagawa kung may anak ka na.

Marami nang taon ang nagdaan, at wala akong ibang panalangin kung hindi sana nasa maayos na kalagayan si Vili at ang mga anak niya.

Kakatingin ko lang sa Instagram ng anak n'ya, mukhang okay naman silang mag-anak.

3. Ang awkward ng interview na 'to. I love it!

Ang katotohanan nga raw ay hindi laging komportable, pero natutuwa naman ako na bagama't medyo masalimuot ang mga nangyari, naroon si Vili, tapat, sinasabi ang tunay n'yang saloobin.

Maririnig mo naman na iyong reporter ay may gustong patunayan. Tingin ko gusto lang din niya marinig na may pagsisisi maski papaano sa parte ni Mary Kay sa lahat ng nangyari. Pero wala, hindi niya talaga aaminin dahil ito nga ang kanyang love story. Hindi natin ito mababago o sisirain sa kanya!

All in all

Protektahan natin ang mga bata. Bilang tayo ang mga nakakatanda, dapat tayo ang mag-set ng example, tutal, mas marami tayong experience in life, in general.

Ikulong natin mga pedopilya, please. Mga salot sa lipunan.

#tagalog #true-crime #youtube